JP Bernardo's Blog

Regarding USC Elections 2012

Marahil, marami ang nagulat sa mga nangyari sa mga nakalipas na araw.. Nagulat sila na ‘nagsalita’ ako, at may lumabas na pahayag mula saken patungkol sa mga nangyari sa USC (ACLE) sa nakalipas na taon.

Unang una, nais kong ituwid ang naunang lumabas dito sa blog ko patungkol sa ACLE.. Tama ang nakalagay dun bagamat may ilang pagtingin pa ako na hindi naisulat. At kailanganin kong aminin, hindi ako ang gumawa ng pahayag na nabanggit.. Alam [at napansin] ng mga taong nakakikilala sa akin na hindi ako ang gumawa nun, malayo daw yun sa paraan ng pagsusulat ko..

Noong una talaga ay bantulot ako na magsalita patungkol sa issue ng ACLE, dahil sa maraming kadahilanan.. Kaya nang marami nang lumalapit at nagtatanong, hangga’t maaari ay hindi ko pinapansin o di kaya’y sinasagot ko ng neutral na sagot.. Pero isang paglapit sa akin ang nahirapan akong tanggihan [at hindi ko nga natanggihan]. Alam ko, hindi nila intensiyon, pero nadala ako ng takot, kaya napayagan kong mangyari ang lahat.. Hanggang sa lumabas na nga yung unang pahayag na yun..

Matapos ang lahat, ninais ko na sanang manahimik na lang.. Ngunit ako ay nabigla ngayong araw, dahil ang pahayag na lumabas dito sa aking blog ay ipinakalat daw sa campus.. Naalarma ako at nabagabag.. Kaya nagdesisyon ako na gawin ito.. Na magbigay linaw sa mga nangyari.. Kaya lilinawin kong muli:

  • Wala akong sinusuportahang kandidato. Bukod sa hindi kaaya-aya sa sitwasyon ko ang sumporta sa kaninuman, wala naman na rin ako sa UP para makisali pa sa ganitong usapin.
  • Hindi ako ang gumawa ng naunang pahayag.. Marahil ay sa akin nanggaling ang mga nilaman nito, pero hindi ako ang nagsulat nito..
  • Hindi ako tinakot o anuman ng kahit sino, pero yun ang naramdaman ko kaya napayagan kong mangyari ang lahat..

Ako ay humihingi ng paumanhin sa mga nabigla, nagtampo o nagalit.. Sana ay makatulong ang pagsasalita kong ito na mas mabigyang linaw ang mga pangyayari..

Anuman ang maging resulta ng papalapit na eleksiyon, hangad kong maging mapayapa at maayos ang lahat..

Yun lamang at maraming salamat..

Nakalagda,

Jose Paolo P. Bernardo

February 28, 2012 Posted by | Buhay USC | Leave a Comment

   

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.