Pagbabalik-tanaw
29-June-2009
Bulacan State University
Makalipas ang ilang taon, ngayon lamang ako muling nakabalik sa paaralang ito. Talagang nagmasid ako ng maigi sa paligid habang ako ay naglalakad papasok, at napansin ko ang napakarami nang pagbabagong naganap dito (hindi lamang sa pisikal na anyo). Una, sa pagpasok ko pa lamang sa loob ng campus, nakita ko na ang bagong gawang main gate. At sa pagpasok mo, makikita ko ang isang blackboard na nagsasabing “Starting July1, 2009, IDs will be required upon entry into the campus” na pagkalaki-laki ng pagkasulat.
Nagpatuloy ako sa paglakad, ang dami na palang bagon gusali. Ang mga dating tambayanat laruan namin ay ginawa nang hardin o di kaya’y parte na ng bagong gusali. Ang mga kainan, iba na ang mga pwesto. Pero natuwa akong makita ang Jorwee’s na buhay pa rin (kahit sabi nila, madumi daw dun at nakakasakit ng tiyan). Sa pagpapatuloy ng aking paglalakad, ako’y umaasa na makakita ng mga dating kaklase ngunit hindi ako pinalad. Sa lugar na madalas naming kainan dati ay nagulat ako, hindi na siya mukhang kainan, mukha na siyang tambayan ng frat. Tapos, yung dating bilihan ng mga kung anu-anong pagkaing kakanin, wala na ngayon, nahati na siya sa tatlong tindahan na pare-pareho naman ang laman.
Nang makarating ako sa pwesto ng ate ko, inabot na niya ang hinihingi kong pera na pambaon ko papasok sa UP. Saktong pananghalian na kasi nun kaya’t naisipan ko na ring kumain dun bago ako umalis. Una ko sanang binalak kumain sa VOP Canteen ngunit hindi na siya mukhang kainan. Sayang nga lang kasi namimiss ko na si Ate Olive na nagtitinda dun. At ayun, nauwi ako sa Jorwee’s. Kumain ako ng dalawang baked mac na nagkakahalaga ng 20php ang isa. Nilalagyan nila ng mayonnaise ang baked mac na nung una ay aking ikinagulat, buti na lang at naalala kong ganoon nga pala sila doon. Matapos akong kumain ng baked mac ay bumili pa ako ng burger sa halagang 15php. Masarap siya, at masasabi kong ganoon pa rin ang lasa niya makalipas ang apat na taon. Matapos kumain ay bumalik na ako sa ate ko at tumuloy nang pumunta sa UP.
Ang pagbabalik-tanaw sa mga nakalipas mo ay mas mabisang magagawa kung babalikan mo ang mga lugar na pinaggawaan mo nito. Kaya’t ang pagbalik kong yaon sa BulSU ay talagang nagpaalala sa akin nga mga “dati” sa buhay ko. Ito ang gusto ko, wag makalimutan kung saan ka nanggaling. Dapat ay lagi mo itong dala-dala dahil wala ka ngayon sa lugar mo kung wala ang lahat ng iyon, maganda man iyon o hindi.
-
Recent
-
Links
-
Archives
- October 2009 (1)
- July 2009 (1)
- March 2009 (3)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS